Back to Search
City Ordinancepdf

ORDINANSA NA NAGSASABATAS NG MGA ALITUNTUNIN PATUNGKOL SA TUNGKULIN NG MGA MAGULANG BILANG PAGTATANGGOL AT PANGANGALAGA SA KARAPATAN NG MGA BATA SA LUNGSOD NG MARIKINA AT PAGPAPAW NG KARAMPATANG PARUSA SA PAGLABAG NITO

Marikina City · NCR
Share:

Full Text

,t RECEIVED connff.or..", City Gov't. of [r,.rL' K,f ? /g-o292/g Bepubliks ng SiliPinaa r/06/ts: 3V SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG MARIKINA MGA NASA BULWAGAN: HON. JOSE FABIAN I. CADIZ, M.D. Pangalawang Punong Lungsod Tagapangulo UNANGDISTRITO KGG. RONNIE S. ACI.]NA Konsehal KCG. FRANKIE C. AYUSON Konsehal KGC. JOSEPH B. BANZON Konsehal KGG. WILLIEN. CHAVEZ Konsehal KGG. MARIO M. DE LEON Konsehal KGG. SAMUEL S. FERRIOL Konsehal KGG. EVA AGUIRRE-PAZ Konsehal KGG. THADDEUS ANTONIO M. SANTOS, JR. Konsehal IKALAWANG DISTRITO KGG. ARIEL V. CUARESMA Konsehal KGG. PAUL B. DAYAO Konsehal KGG. MARK ALBERT J. DEL ROSARIO Konsehal KGG. ERNESTO M. FLORES Konsehal KGG. SUSANA P. MAGTUBO Konsehal KGG. ROMMEL F. ORTIZ Konsehal KGC. RUBEN R. REYES Konsehal KGG. XY-ZA DIAZEN-SANTOS Konsehal KINATAWANNG SEKTOR KGG. LEVY DL. DE GUZMAN Pangulo ng Liga ORDINANSA BLG. O39 Taong 2015 ORDINANSA NA NAGSASABATAS NG MGA ALITUNTUNIN PATUNGKOL SA TUNGKULIN NG MGA MAGULANG BILANG PAGTATANGGOL AT PANGANGALAGA SA KARAPATAN NG MGA BATA SA LUNGSOD NG MARIKINA AT PAGPAPATAW NG KARAMPATANG PARUSA SA PAGLABAG NITO Panukala nina: Konsehal FRANKIE C' AYUSON Konsehal PAUL B. DAYAO Mga kasamang nagPanukala: Konsehal RONNIE S. ACLfNA Konsehal JOSEPH B. BANZON Konsehal WILLIE N. CHAYEZ Konsehal ARIEL V. CUARESMA Konsehal MARIO M. DE LEON Konsehal MARK ALBERT J. DEL ROSARIO Konsehal SAMUEL S. FERRIOL, Ordinansa Blg. 039 Taong 2015 Konsehal ERNESTO M. FLORES Konsehal SUSANA P. MAGTUBO Konsehal RUBEN R. REYES Konsehal THADDEUS ANTONIO M. SANTOS, JR. Konsehal XYZA DIAZEN-SANTOS Konsehal LEVY DL. DE GUZMAN at Bise Alkalde JOSE FABIAN I. CADIZ, M.D. SAPAGKAT, ang Artikulo XV, Seksyon 3, Bilang 2 ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ay naglatadhana na dapat isanggalang ng Estado: xxx (2) Ang karapatan ng mga bata na mabigtan ng kalinga, kasama ang wostong pagaalaga at nutrisyon at natatanging proteksyon sa lahat ng mga anyo ng pagpapabaya, pagaabuso, pagmamalupit, pagsasamantala, at iba pang kondisyong nakakapinsala sa kanilang pag-unlad; x x x SAPAGKAT, sang-ayon sa Artikulo 3 ng United Nations Convention para sa Karapatan ng mga Bata, lahat ng kilos patungkol sa mga bata, maging ito man ay isasakatuparan ng pampubliko o pribadong institusyon para sa kapakanang panlipunan, hukuman, otoridad na pang administratibo o lupon na nagsasagawa ng batas, ang pinakamagaling na kapakanan ng bata ang dapat na pangunahing isaalang-alang; SAPAGKAT, bilang karagdagan, ang Estado ay dapat na naniniguro na ang bata ay mapagkakalooban ng proteksyon at pangangalaga na nararzrapat para sa kanyang kapakanan, nang isinasaalang-alang ang karapatan at katungkulan ng kanyang mga magulang, legal na tagapag-alaga, o sinumang may legal na responsibilidad para sa kanya at magpatupad ng lehislatibo o administratibong hakbangin; SAPAGKAT, ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina ay naniniwala na ang pamilya ay ang siyang likas na kapaligiran para sa pagsulong at sa kapakanan ng lahat nitong miyembro lalo na ang mga bata at dapat na sila ay bigyan ng karapat-dapat na pangangalaga at tulong upang kanilang ganap na magampanan ang kanilang mga pananagutan sa komunidad na kanilang kinabibilangan; SAPAGKAT, ang kodigong ito ay ginawa dahil sa katotohan,rn ay may mga magulang na hindi ginaganap ang kanilang mga lungkulin at obligasyon sa pangangalag4 pagpapalaki at paggabay sa kanilang mga anak at ginagamit na dahilan ang kahirapan sa kanilang pagpapabaya; NGAYON AT SA KADAHILANAN NG LAHAT NG DITO AY NASASAAD, PINAGPASIYAHAN ng SANGGUNIAM PANLUNGSOD ng MARIKINA, na sa kapulungan ay nabuo na: ARTIKULO PANGKALAHATANG PROBISYON SEKSYON L Maikling Pamagat- Ang Ordinansa na ito ay kikilalanin bilang "KODIGO NG PANANAGUTAN NG MAGULANG" ng Lungsod ng Marikina. SEKSYON 2. Pagpapahayag ng Patakaran Ipinapahayag na patakaran ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina na: . Ordinansa Blg. 039 Taong 2015 (a) Ang mga magulang ang siyang may pangunahing karapatan at pananagutan sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. (b) Ang mga magulang ay may karapatan na disiplinahin ang kanilang mga anak upang maisaayos ang kanyang magandang pag uugali at maaaring atasan na siya ay tumalima sa mga nararapat at makatuwirang mga alituntunin, mungkahi at babala. (c) Ang bata ay mahalagang bahagi ng ating bansa at sa kadahilanang ito, lahat ng pagpupunyagi ay dapat na gawin upang itaguyod ang kapakanan at palawigin ang kanyang pagkakataon para sa isang kapakipakinabang at masayang pamumuhay. (d) Ang bata ay nararapat na makaranas ng angkop na pangangalaga at n{uarapat na bigyan ng mga pagkakataon, ng batas at ng iba pang p.rmamarzran, upang matiyak ang kanyang ganap na pag-unlad na pisikal, mental, emosyonal, moral, ispiritwal at sosyal sa isang malusog at normal na pamamaraan at sa kalagayan na may kalayaan at dignidad na nararapat sa mga yuglo ng pag-unlad. (e) Ang bata ay namrapat na palakihin sa isang kapaligiran na may pangkalahatang pagkakaunawaan, pagpapaubay4 pagkakaibigan at pagtutulungan at lubos ang kaalaman sa kanyang mga tungkulin bilang isang bahagi ng lipunan' (0 Sa lahat ng mga katanungan patungkol sa pangangalaga, pag aaruga, at edukasyon ng bata ang kanyang kapakandn ang dapat na pangunahing binibigyan ng konsiderasyon. (g) Ang sariling katangian at kaangkupan ng bata ay nararapat na linangin ng lubos. (h) Ang pagbuo ng pagkatao at kaugalian ng bata ay nagsisimula sa tahanan. Samakatuwid, bawat miyembro ng pamilya ay namrapat gawin ang tahanan na lugar upang positibong maimpluwensyahan ang pag-unlad ng bata. (i) Ang ibang institusyon, tulad ng paaralan, simbahan at ang komunidad ay namrapat na tumulong sa tahanan at sa Estado sa paghahanda sa bata sa kanyang pagharap sa mga responsibilidad kapag siya ay nasa wastong gulang na' SEKSIYON 3. Nasasakupan ng Kodigo. Ang Ordinansa na ito ay siyang magtatakda ng mga batas at alituntunin na epektibong tutukoy sa lumalalang problema patungkol sa pag- .ulruga ng bat4 pagpapalaki at ang pagpapatupad ng kapangyarihan at responsibilidad ng mga magulang. SEKSIYON 4. Kahulugan ng mga Katawagan at mga Acronym na ginamil Ang mga sumusunod na katawagan at acronym ay binigyang kahulugan o isinalararvan ayon sa pagkakagamit sa Alituntunin na ito: (a) Bata - ay tumutukoy sa mga may edad na mababa sa labing-walong (18) taon o ang mga lagpas sa 18 taon subalit walang kakayahan na ganap na pangalagaan at protektahan ang kanilang sarili laban sa pang-aabuso, pagpapabay4 kalupitan' pagsasamantala o pagtatangi-tangi dahil sa pisikal o mental na kalagayan o kapansanan. Ordinansa Blg. 039 Taong 2015 (b) Magulang - ay tumutukoy sa ina, ama, tagapag-alaga at ang mga gumaganap ng kahaliling pananagutan ng magulang sa isang bata, na binigyang kahulugan sa Artikulo 216 at Artikulo 217 ng Family Code. (c) Tungkulin at Pananagutan ng Magulang - ay tumunrkoy sa pagkalinga at pagpapalaki sa mga bata na may pang mamamayang kamalayan at kasanayan at ang pagpapa-unlad sa kanilang moral, mental at pisikal na katangian at kagalingan. (d) Natatanging tungkulin at pananagutan na pang-magulang - ito ay ginaganap ng mga paaralan, ng mga administrador at mga guro, o ng mga indibidwal o institusyon na nangangalaga sa mga bata habang ang bata ay nasa kanilang pag- iingat o pamamahala. Ang tungkulin at pananagutan ay sumasakop sa lahat ng may kapahintulutan na gawain maging sa loob o labas ng paaralan o institusyon. (e) Pagpapabaya - ay ang hindi pagganap ng magulang sa kanilang mga tungkulin bilang magulang na nakasaad sa Seksiyon 9 ng Ordinansang ito. (0 Pinakamabuting kapakanan ng bata - ay nangangahulugan ng pangunahing pagsasaalang-alang sa lahat ng mga pagkilos, maging ng pampubliko o pribadong lupon, sa kapakanan, pagtatanggol, kaligtasan at pag-unlad ng bata. (g) Motorsiklo - ay tumutukoy sa pampribadong motorsiklo o scooter na may dalawa o tatlong gulong at rirga bisikleta na may nakakabit na motor. (h) Hazing - ay isang seremonya na kinakailangan upang tanggapin bilang kasapi ng isang fratemity, sorority o samahan sa pamamagitan ng paglalagay sa isang aplikante sa isang nakakahiyang sitwasyon tulad ng pagpilit sa kanya na gumawa ng mababang-uri, hangal, at katulad na mga gawain o aktibidad o ang pagpaparanas sa kanya ng pisikal o pangkaisipang paghihirap o pinsala. (i) Palagiang Pagliban - ay nangangahulugan ng pagliban ng walang magandang dahilan ng mahigit sa dalawampung porsiyento (20%) ng kabuuang bilang ng araw ng pagpasok sa paaralan, na hindi nangangailangang magkakasunod. Tungkulin ng mga guro na ipabatid sa mga magulang ang pagliban ng bata kapag ito ay lumagpas na sa tatlong (3) araw ng 'di pagpasok. O Newbom screening - ay ang proseso ng pagkuha ng ilang patak ng dugo mula sa bagong panganak na sanggol upang pag-arala4 at alamin kung ang sanggol ay may namamanang kondisyon. (k) Bahay Pag-asa - ay tumutukoy sa institusyon na nangangalaga sa mga bata na itinatag, pinondohan at pinapamahalaan ng lokal na pamahalaan at lisensiyado o kinikilalang samahang hindi pampamahalaan na nagkakaloob ng maikling termino ng pagkupkop sa mga batang sumalungat sa batas (children in conflict with the law) na lagpas labing-limang taon (15) subalit mababa sa labing-walong (18) taong gulang na naghihintay ng hatol ng korte para sa kanilang sakdal o sa paglilipat sa kanila sa ibang ahensiya. Kalakip na katangian ng "Bahay Pag-asa" ay ang masidhing pamamagitang pambata (uvenile intervention) at pagsuporta. Ito ay nauukol sa batang Ordinansa Blg. 039 Taong 2015 sumalungat sa batas ayon sa Seksiyon 2O,2O-A at 20-B ng Republic Act No. 10630. Isang "multi-disciplinary team" na kinabibilangan ng isang social worker, isang psychologist o propesyonal na dalubhasa sa agham ng pag-iisip, isang educational/guidance counselor at isang miyembro ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) ang siyang magpapatakbo sa "Bahay Pag-asa". Ang grupong ito ay siyang gagawa ng indibidwal na pamamagitan sa bata at sa pamilya nito. FC - ay tumutukoy sa "Family Code of the Philippines". (m)P.D. 603 - ay tumutukoy sa "Presidential Decree No. 603 or The Child and Youth Welfare Code". (n) P.D. 996 - ay tumutukoy sa "Presidential Decree No. 996 Providing for Compulsory Basic Immunization for Infants and Children Below Eight Years of Age". (o) P.D. 1602 - ay tumutukoy sa "Presidential Decree No. 1602 Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling". (p) R.A. 8049 - ay tumutukoy sa "Republic Act No. 8049 or The Anti-Hazing Law". (q) R.A. 9287 - ay tumutukoy sa "Republic Act No. 9287 An Act Increasing the Penalties fior Illegal Numbers Games, Amending Certain Provisions of Presidential Decree No. 1602, and for Other Purposes". (r) R.A. 92ll - ay tumutukoy sa "Republic Act No. 9211 An Act Regulating the Packaging, Use, Sale, Distribution and Advertisements of Tobacco Products and for Other Purposes". (s) R.A. 10630 - ay tumutukoy sa "Republic Act No. 10630 An Act Strengthening the Juvenile Justice System in the Philippines, Amending for the Purpose Republic Act No. 9344, Otherwise Known as the "Juvenile Justice and Welfare Act of 2006" and Appropriating Funds Therefor". ARTIKULO 2 KAPANGYARIHAN AT PANANAGUTAN NG MAGULANG SEKSIYON 5. Pagsasakaluparan ng Kapangtarihan at Pananagutan ng Magulang. Ang ama at ang ina ay magkasamang magsasakatupzuan ng kapangyarihan at pananagutan sa kanilang mga anak. (Artikulo 2l 1 , Family Code). Sa pagkawala o kamatayan ng isa sa mga magulang, ang magulang na naiwan ang siyang magpapatuloy ng pagsasakatuparan ng kapangyarihan at pananagutan ng magulang. Ang muling pag-aasawa ng naiwang magulang ay hindi makaka-apekto sa kapangyarihan at pananagutan ng magulang sa kanyang mga anak, maliban na lamang kung ang korte ay mag-tatalaga ng ibang tao upang maging tagapangalaga ng bata o ng ari-arian ng bata (Art. 2l2,FC). Sa paghihiwalay ng mga magulang, ang kapangyarihan at responsibilidad ay isasakatuparan ng magulang na itinalaga ng Korte. Kung sakaling pumanaw, mawala o mawalan ng kakayahan ang mga magulang, ang naiwang ninuno ang siyang hahalili sa pagsasakatuparan ng kapangyarihan at pananagutan ng magulang. Kung sakaling marami pa ang naiwang ninuno, ang itatalaga ng Korte ang siyang magpapatuloy ng kapangyarihan at pananagutan ng magulang (Art. 214,FC). rrtf' Ordinansa Blg. 039 Taong 2015 Kung sumala sa pagtupad ang magulang o ang itinalaga ng korte na tagapag-alag4 ang mga sumusunod ang magsasakatuparan ng kahaliling kapangyarihan sa bata ayon sa pag-kakaayos: (1) Ang naiwang malapit na kamag-anak na pumapayag at may kahandaan at kakayahan na tanggapin ang responsibilidad; (2) Ang pinakamatandang kapatid na lalaki o babae na lagpas dalawampu't-isang taong gulang, maliban na lamang kung ideklarang hindi karapat-dapat; at (3) Ang taong siyang nangangalaga sa bata na higit sa dalawampu't-isang taong gulang, maliban na lamang kung ideklarang hindi karapat-dapat (Art. 216, FC). Sa kaso ng mga natagpuan, iniwan, pinabayaan o inabusong mga bata at iba pang mga bata na nasa katulad na sitwasyon, ang kapangyarihan at pananagutan ng magulang ay ipagkakatiwala sa pamamagitan ng madaliang pagdinig (summary judicial proceedings) sa mga namumuno ng mga bahay-ampunan at mga kanrlad na institusyon na kinikilala ng tamang ahensiya ng gobyemo (Art. 217, FC). SEKSIYON 6. Hindi Pagratakt iWagsosalin ng Kapangtarihan ot Pananagulan ng Magutang. - Ang kapangyarihan at pananagutan ng magulang ay hindi maaaring itakwil o isalin maliban sa mga kaso na pinahintulutan ng batas (Art. 210' FC). SEKSIYON 7. Pagpapatiban o Pagpapatigil sa Kapangtarihan ng Magulang. - Ang kapangyarihan ng magulang ay pamalagiang tumitigil: (l) Kapag pumanaw ang mga magulang; o (2) Kapag pumanaw ang bata; , (3) Kapag nasa hustong gulang na ang bata (Art. 288' FC). Maliban kung sa huli ay mapanauli ng isang kahuli-hulihang hatol, ang kapangyarihan ng magulang ay natatapos: (1) Kapag inampon ang bata ng nzraayon sa batas; (2) Kapag nagtalaga ng pangkalahatang tagapangalaga; (3i Kapag idineklara ng korte na abandonado ang bata sa kaso na isinampa patungkol dito; (4) Kapag sa pinaka-huling hatol ng korte ay inalisan ang mga partido ng kapangyarihan bilang magulang; o (S) fapag laineklara ng hukuman na wala o walang kakayahan ang taong siyang tumatayong magulang (Art. 229' FC). III ARTIKULO TUNGKULIN NG MGA MAGULANG AT ANG MGA KARAPATAN NG BATA SEKSIYON 8. Tunghulin ng mga Magulang. - Ang mga sumusunod ang mga tungkulin ng magulang sa kanilang anak: 1. Ang mabigyan siya ng pagmamahal, pag-aaruga' pamamatnubay, makakasama at pang-unawa; 2. Ang maipaabot sa kanya ang mga benepisyo ng moral na pagpatnubay, disiplina at pagtuturong PanrelihiYon; - .r.F Ordinansa Blg. 039 Taong 2015 3. Ang mabigyan siya ng tamang edukasyon, kabilang na dito ang pagtitiyak sa kanyang pagpasok at pagganap sa paaralan, at ang pagdalo sa mga komperensya ng mga magulang at guro kung kinakailangan; 4. Ang magabayan ang kanyang mga gawain sa loob at labas ng tahanan kabilang na ang mga gawaing panlibangan; 5. Ang mabigyan siya ng tamang attensiyon na pang-medikal at mga serbisyo para sa kalusugan na karaniwang ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod, kabilang na ang kumpletong bakuna para sa mga karamdalnan na ginawa para sa mga batang hanggang walong (8) taong gulang, at ang pahintulutan ang bagong silang na sanggol na dumaan sa pagsusuri ptua sa mga sanggol na bagong panganak (newborn screening) sa loob ng apatnapu't walong (48) oras mula sa panganganak subalit hindi lalagpas sa tatlong (3) araw mula ng isilang; 6. Ang pigilan ang bata na uminom ng nakalalasing na inumin, gumamit ng ipinagbabawal na gamot, sigarilyo (Ordinansa Bilang 201 Taong 2001), pagsusugal, at iba pang bisyo at makapaminsalang gawain; 7. Ang maiwasan ang mga gawain na rnugluluguy sa kanya sa kapahamakang pisikal, maglalantad sa kanya sa pinsala a1 sa banta sa kanyang pag-unlad; 8. Ang pasiglahin ang kanyang interes sa mga gawaing pang-mam.rmay.rn, tuuan siya ng mga tungkulin na kaakibat ng kanyang pagkamamamayan, at mapaunlad ang kanyang "commitment" sa kanyang komunidad, kabilang dito ang pagbibigay sa kanya ng lahat ng oportunidad upang magbuo o sumali sa mga samahang sosyal, pang-kultura, pang-edukasyon, pang-libangan, sibiko o pang-relihiyon o mga pagkilos at iba pang kapaki-pakinabang na mga gawaing pang-komunidad; 9. Ang mabigyan siya ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain' tirahan, at damit, kabilang na ang sapat na suporta, ayon sa pakahulugan ng Family Code; at 10. Ang sikaping magpariuso ng sanggol mula sa pagkapanganak hanggang dalawang (2) taong gulang. 11. Magabayan ang mga bata sa tamang paggamit ng "intemet" at "social media". SEKSIYON 9, Karapatan ng mga Balo Lahat ng mga bata ay may kampatan na nakasaad dito na walang pagtatangi sa pagiging lehitimo o hindi lehitimo, sa kasarian, kataluang panlipunan, relihiyon, "political antecedents", at iba pang dahilan: l. Bawat bata ay pinagkalooban ng karangalan at kahalagahan bilang tao mula ng siya ay mabuo sa sinapupunan, at dahil dito ay may karapatan siya na mapangalagaan mula sa panahon na ito. 2. Bawat bata ay may kdrapatan sa isang buhay pang-pamilya na magbibigay sa kanya ng pagmamahal, pagkalinga at pang-unawa, pag-gabay' at seguridad na materyal. Ang batang naka-depende o inabandona ay nararapat na bigyan ng pinakamalapit na kahaliling tahanan. , ,.fto Ordinansa Blg. 039 Taong 201 5 3. Bawat bata ay may karapatan sa mahusay na paglinang ng kanyang pagkatao upang magkaroon ng ganap na kasiyahan, kapakinabangan at pagiging aktibong bahagi ng lipunan. Ang batang may angking kakaibang talino ay nararapat na bigyan ng pagkakataon at himukin na linangin ang kanyang natatatanging talino. Ang batang "emotionally disturbed" o "children with special needs" ay nararapat na tratuhin ng may simpatiya at pang-unawa, at may karapatan sa pagpapagamot at maaasahang pangangalaga. Ang batang may kapansanan sa pangangatawan at pag-iisip ay may karapatan na mabigyan ng pagsusuri, edukasyon at pangangalaga na kinakailangan sa kanyang partikular na kondisyon. 4. Bawat bata ay may karapatan sa balanseng pagkain, sapat na kasuotan, mainam na silungan, tamang medikal na atensiyon, at lahat ng pangunahing pangangailangan ng pangangatawan.upang magkaroon ng malusog at masiglang buhay. 5. Bawat bata ay may karapatan na mapalaki sa kapaligiran na may kabutihang-asal at karangalan upang mapagyaman at mapalakas ang kanyang pagkatao. 6. Bawat bata ay may karapatan sa edukasyon na angkop sa kanyang kakayahan at sa paglinang ng kanyang mga kaalaman para sa ikauunlad ng kanyang kakayahan upang maglingkod sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa-tao. 7. Bawat bata ay may karapatan na mabigyan ng ganap na pagkakataon para sa ligtas at mabuting libangan at gawain, maging sa pag-iisa o sa pakikisalamuha sa iba, para sa mahusay na paggamit ng kanyang mga oras na panglibangan. 8. Bawat bata ay may karapatan na mapangalagaan laban sa pananamantala, hindi nararapat na impluwensiy4 peligro, at iba pang kalagayan o pangyayari na maaaring makasama sa kanyang pangangatawan, kaisipan, emosyonal, sosyal at moral na kalinangan. 9. Bawat bata ay may karapatan na mamuhay sa pamayanan at lipunan na maaaring mag-handog sa kanya ng kapaligiran na ligtas sa mapaminsalang impluwensiya at kaaya-aya sa pagtataguyod ng kanyang kalusugan at paglinang ng kanyang mga kaaya-ayang ugali at katangian 10. Bawat bata ay may karapatan sa pangangalaga, pagtulong, at pagkalinga ng Estado, partikular kung ang kanyang mga magulang o lagapag-alaga ay magpabaya o walang kakayahan na maibigay sa kanya ang pangunahing pangangailangan para sa pag-laki, pag-unlad, at pagsulong. I l. Bawat bata ay may karapatan sa isang may kasanayan at tapat na pamahalaan na magpapatibay sa kanyang pananampalatay4 sa pagigilang malaya at magbigay- sigla sa kanyang kabutihang-asal ng hinirang na kapangyarihan sa kanilang pampubliko at pang-pribadong buhay. 12. Bawat bata ay may karapatan na lumaki bilang isang malayang indibidwal sa kapaligiran na may kapayapaan, pagkakaunawaan, may pagpapataya, at. Ordinansa Blg. 039 Taong 2015 pandaigdigang kapatiran at may determinnsyon na makibahagi sa paglikha ng isang mas maayos na mundo. 13. Walang panahon na pinapayagan ang sinoman na nagpapatupad ng kapangyarihan ng isang magulang tulad ng mga administrador ng paaralan, punong-guro-at mga guro na bigyan ng malupit na kaparusahan (corporal punishment) ang bata (Art 233, FC). ARTIKULO ry PAGLABAG SA KARAPATAN NG MGA BATA, PAGTATRABAHO NG MGA BATA AT IBA PANG GAWAIN AT/O KONDISYON NA MAKAKASAMA SA PAG-UNLAD NG MGA BATA SEKSIYON 10. Pagpapabaya sa Bata Ang pananagutang kriminal ay kaakibat ng sino man na may kapangyarihan at tungkulin ng isang magulang kung: 1. Itago o abandunahin ang bata na may pagnanais na ito ay mawalan ng estadong sibil. 2. Pababayaan niya ang bata sa ano mang pagkakataon at pagkakaitan siya ng pagmamahal, pag-aaruga at pag-tatanggol na kanyang kinakailangan. 3. Ipagbili o ipamigay ang bata sa ibang tao na may kapalit na kabayaran o mahalagang konsiderasyon. 4. Pababayaan ang bata sa pamamagitan ng hindi pagbibigay sa kanya ng edukasyon sang ayon sa kakayahang pinansyal ng pamilya. 5. Pagkabigo o pagtutol, ng walang makatwirang dahilan, na ipasok sa paaralan ang bata. 6. Pagpayag na maglakwatsa ang bata sa oras ng klase. 7. Mabigong bantayan ang pagpasok at pagganap ng bata sa paaralan, at dumalo, ng walang makatwirang dahilan sa mga pagpupulong ng magulang at guro kung ito ay kinakailangan ng paaralan. 8. Hindi tamang pagkasangkapan sa bata sa pamamagitan ng paggamit sa kanya, direkta man o hindi direkta, sa pamamalimos at iba pang gawain na nakakasama sa kanyang interes o kapakanan. 9. Bigyan ng malupit at hindi pangkaraniwang kaparusahan ang bata o sadyaing isailalim siya sa galit at iba pang labis na parusa na makapagpapahiya sa kanya. 10. Maging dahilan o himukin ang bata na mamuhay ng immoral o napakasamang buhay. I L PYaayyaagga nr aanngg bbaattaa na mmaaggkKaarroooonn,, hnuummaawwaakK o mmagdala ng nakamamatay na sandata. hindi alintana kung kanino itong pag-aari. . nnd Ordinansa Blg. 039 Taong 2015 12. Payagar ang bata na uminom ng nakalalasing na inumin, gumamit ng bawal na gamot, sigarilyo at magsugal o gumamit ng ibang bisyo o nakasasamang mga gawain. 13. Payagan o atasan ang bata na magmaneho ng walang lisensiya o may lisensiya na alam ng magulang na kinuha sa ilegal na pamamaraan. Kung ang sasakyan na minamaneho ng bata ay pagmamay-ari ng magulang, ipapalagay na pinayagan o inutusan ang bata na magmaneho (P.D. 603). 14. Payagan ang bata na umangkas sa motorsiklo (a) ng walang helmet na pumasa sa pagsusuri o (b) kung may suot na helmet na pumasa sa pagsususuri subalit ang motorsiklo ay maraming sakay o overloaded. 15. Payagan ang bata na sumakay sa puno o overloaded na tricycle, maging ito ay pang-pasada o hindi. Ang pagiging puno o overloaded ay tumutukoy sa tricycle na higit sa tatlo (3) ang pasahero. (Ordinansa Bilang l5l, Taong 1999) 16. Mabigong patingnan ang bata sa health center pzra sa libreng pre-natal at post- natal na pangangalaga at pangunahing bakuna, na kinabibilangan ng (a) BCG Bakuna laban sa tuberkulosis; (b) pagbabakuna laban sa dipteria" tetano, at ubong- dalahit; (c) pagbibigay kabal laban sa polio; (d) proteksiyon laban sa tigdas; (e) pagbibigay kabal laban sa rubella; at (f) iba pang bakuna na ipinagkakaloob ng Department of Health (DOH) sang-ayon sa P.D. No. 996. 17. Payagan ang bata na lumaboy sa mga pampublikong lugar o sa labas ng tahanan sa loob ng oras ng curfew na alas-onse ng gabi hanggang alas-kuwatro ng umaga ayon sa Ordinansa Bilang 163 ng Taong 2001 . 18. Payagan ang bata na sumali sa mga gang, fratemity o sorority sa loob o labas ng paaralan at payagan na mamuno, sumali o makilahok sa anumnng paraum sa hazing at iba pang seremonya ng pagtanggap sa bagong kasapi sang-ayon sa R.A' No. 8049. 19. Payagan ang bata na magbenta, bumili o humitit ng sigarilyo o iba pang produkto ng tabako sang-ayon sa R.A. No. 921 1. 20. Payagan ang bata na makilahok sa pagsusugal o illegal na laro ng numero na binigyang pakahulugan sa P.D. No' 1602 na inamyendahan ng R.A.. No. 9287 . ARTIKULO V SIBIL NA PAGLABAG AT MGA PARUSA SEKSIYON'f f , Sibil na Paglabag. - Ang mga magulang ay may pananagutang sibil sa mga pinsala at danyos na sanhi ng paggawa o paglaktaw ng kanilang mga anak na wala sa-wastong gulang na nakatira sa kanila at sumasailalim sa kapangyarihan ng magulang sa ilalim ng nararapat na depensa na ipinagkakaloob ng batas. I SEKSIYON 12. Mga Parusa. - Ang mga gawain na binanggit sa talata hanggang 20 ng Seksiyon l0 ng oidinansang ito ay may karampatang kaparusahan na sumusunod: a) Unang Paglabag - Babala (Waming) at pagdalo ng magulang at anak sa seminar na naaayon sa ginawang Paglabag; . t Ordinhnsa Blg. 039 Taong 2015 b) Ikalawang Paglabag - multa ng 91,000.00 o pagkakulong ng sampung (10) araw, o pareho, ayon sa mabuting pagpapasya ng hukuman; c) Ikatlong Paglabag - multa ng P3,000.00 o pagkakulong ng dalawampung (20) araw, o pareho, ayon sa mabuting pagpapasya ng hukuman; SEKSIYON 13. irobisyon ng Walang Pagtutot - Ang mga magulang na nagnanais na huwag ng tutulan ang pananagutan ay maaaaring magbayad ng multa para sa paglabag sa Tanggapan ng Ingat-Yaman ng institusyon kung sarm isinampa ng pormal na habla. Kung walang kakayahan na magbayad ng multa, ang mga magulang ay gaganap ng serbisyo sa komunidad na tulad ng mga sumusunod: a) Para sa multa na Pl ,000.00 = walong (8) oras; b) Para sa multa na P3,000.00 = labing anim (16) na oras; at Sa kondisyon na, kung ang magulang ay nakinabang na sa nabanggit na benepisyo ng Seksiyon na ito ng tatlong (3) beses, hindi na niya maaaring gamitin itong muli at ang pinaka-mataas na parusa ang ipatutupad laban sa kanya. SF,KSIYON 14. Ang multa na malilikom mula sa paglabag sa mga probisyon ng ordin-"-g ito ay ilalaan sa pondo ng City Social Welfare Development Office upang gamitin sa mga programa patungkol sa Children in Conflict with the Law. SEKSIYON 15. Tungkulin ng Barangay. Sa kaso ng paglabag sa Ordinansang ito ang Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) ang agad-agad na magpapatawag sa magulang ng bata at magrerekomenda sa kinauukulang ahensiya. SEKSIYON 16. Tungkulin ng Kapakanang Panlipunan at Pagtapaunland ng Lungsod. - Ang mga bihasang empleyadong pampamahalaan ng Tanggapan ng Kapakanang Panlipunan at Pagpapaunlad ng Lungsod ng Marikina ang siyang mangangasiwa sa pagganap ng pagpupulong sa Pagiging Epektibo ng Magulang sa mga barangay at siyang magtuturo at magsasanay sa empleyado ng barangay na nararapat mangasiwa sa nasabing gawain. ARTICLE VI HULING PROBISYON SEKSIYON 17. Mga Patakaran at Alituntunin. - Maliban kung hindi isinaad ng ordinansa na ito, ang Tanggapang Legal ng Lungsod sa pakikipag-tulungan sa Marikina city council for the welfare of children and Family concems ang siyang lilikha ng mga patakaran at alituntunin para sa mabisang pagpapatupad ng Ordinansa na ito. SEKSIYON 18. Sugnay ng Paghihiwalay. Kung sa kadahilanan o mga kadahilanan na ang alinman sa mga itinadhana ng Ordinansa na ito ay ideklara na hindi naaayon sa konstitusyon o walang bisa, ang iba pang itinadhana nito ay hindi maaapektuhan at patuloy na ipatutupad. SEKSIYON 19. Sugnay ng Pagkakabisa. Ang ordinansa na ito ay magkakabisa labing limang (15) araw matapos na ito ay pagtibayin at ilathala ng isang beses sa isang malawakang pahayagan sa Kalakhang Maynila. PINAGTIBAY ng SANGGUNIANG PANLITNGSOD ng MARIKINA' ngavong ika- 29 ngHttlyo,2015. - -dn Ordinansa Blg. 039 Taong 2015 AKING PINATUTUNAYAN na ang Ordinansang ito ay ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng Marikina sa ika-28 na Pangkaraniwang Sesyon sa Bulwagang Pansanggunian ngayong ika-29 ng Hulyo, 20t5. ^@r R. Gx-t 6i NORALYNh,. TINGCtrNGCO Kalihim ng Sanggunian PINAGTIBAY AT PINATUNAYANy SA PAGSANG.AYON: L CADIZ, M.D. Lungsod./Tagapangulo INAPRUBAHAN ng KGG. na PUNONG LUNGSOD noong DEL R. DE GUZMAN Punong Lungsod